frend’s anniv
kahiya pare. anniv ni dro at marla ngayon. dyahe at napasama pa kame ni ariel. feeling ko kasi dapat silang family lang ang nagcelebrate pero sinama parin kame ni dro kaya ok na rin. ayun busog to the max na naman. andun din si asty! ang kulit. sa school pa lang ang kulit na sobra. pagdating bahay namen laro naman sila ni tito ariel nya. nakakaaasar nga eh! mas parang close pa silang dalawa kesa samin ni asty!
di punta na kame makati para sunduin mrs salvador aka love(un ang tawag ko sa kanya). wag na angal dro. baka masaktan ka lang. pulutin ka pa sa daan eh! xmpre bago nun bili muna kame flowers ni dong sa farmers. gusto daw nya isurprise si arlas. so un.. bili naman kame. astig nga eh. sweet talga.
nilanggam kami dun sa kotse. di pagdating namin office ni arlas. baba agad ung mag-ama. tapos binuksan ni dong ung pinto ng awto para kay marla… tapos nakalatag dun sa upuan ung mga flowers… di nung pagkakita ni arlas… nagsisigaw na parang kiniklig. xmpre ang mukha nman ng bida nating si dong eh nakasmile. kontentong-kontento ang tawa. sobra saya. buti na lang isa ako sa nakawitness ng unang pagbigay ni dro ng flowers kay arlas. hehe. xmpre ung supporting actor nyong si kyle eh kilig din.
di hanap na kami kainan. eh nalagpasan ko ung dapat na paparkan ko. di nagmarunong ang kupal! nakita ng may nakapost na one way eh pinilit pa rin! yabang pang nagsabing "mahuli na kung mahuli!". eh nahuli. patay! sa dulo may kumakaway na local traffic enforcer ng makati. takbuhan ko sana. eh traffic. hahabulin pa nga daw ako eh ng may wang-wang na motor! di ayun. pakiusapan. bayad ako 150. sayang din un. pedeng pan-load. pedeng pang-gas. hay! nakakabadtrip alalahanin!
di ayun. gutom na kami lahat. park na kami ng maayos. pasok kami max restaurant. sobra panalo naman ung inorder nina dro at arlas. fiesta ata eh. palagi na lang ganun eh. umaapaw ang pagkain sa table. di kame ni ariel kain naman ng sobra. hay sobra sarap. pagkatapos nun uwi na kami. kelangan pang matulog dahil may byahe papuntang nueva ecija!
kasal mo na tae!
hayip ka!
iniwan mo kami! hehe.